Bunsong Hari
March 21, 2004 | 12:00am
Buong buhay niya, minamaliit si Bethune Tanquincen ng mga tao. At buong buhay niya, pinapatunayan niyang mali ang mga tao.
Nakapaglaro siya sa UST noong nagsimula itong mangalabaw sa UAAP noong dekada 90. Naisama siya sa RP team sa 1993 SEA Games sa Singapore. At nakatapak siya ng PBA.
"A team is always a reflection of a coach's personality," paliwanag ng bagong hirang na coach ng Barangay Ginebra. "I've always had to prove myself. I hope to bring that to this team. Just because the odds are tall doesn't mean you just lay down and give up."
Nagulat si Siot na ang ibig sabihin ng palayaw ay nakababatang kapatid--sa paghirang sa kanya.
Assistant siya kay Jong Uichico sa San Miguel nang ipaalam sa kanya noong Martes ng hapon na siya ang hahawak sa pinakasikat na koponan sa PBA. Natulala siya.
"It's a mixture of excitement and anxiety," dagdag niya. "Anxiety because it's the most popular team, and in a way you don't want to disappoint the millions of fans of Ginebra."
Ayaw ni Tanquincen magsalita tungkol sa mga pagkukulang ng Ginebra sa ilalim ni Allan Caidic, na ngayo'y team manager.
Subalit idiniin niyang wala silang masyadong pagkakaiba sa estilo. Pareho silang dumaan sa sistema ni Ron Jacobs at Jong Uichico.
"But that doesn't mean this will be a carbon copy of San Miguel," pahabol niya. "What works best for San Miguel may not work well for Ginebra."
Gaya ng lagi, hinahanap ng tao ang Ginebra na mahilig tumakbo. At mukhang matutuloy ang tradisyong iyon. "That's what the personnel calls for," pag-aamin ng bagong coach. "But the one thing I want to add is not to run just for the sake of running, but to run with direction."
Makikita natin kung masasakyan agad ng mga Gin Kings ang kanyang ibig sabihin. Mainipin nga lang ang mga fans nila.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest