Nasuong si Vita, na noong nakaraang linggo ay tinanghal sa Tanduay Hall of Fame sa delikadong situwasyon at natalo kay Banar, 2-5 na nag-puwersa ng do-or-die match sa event na ito na sponsored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinsons Malls, Accel, Hope The Luxury Cigarrettes at Rommels Billiards -- ang opisyal na lamesa.
Ang nasabing laban ay ipalalabas ng National Broadcasting Network ngayong gabi sa alas-8-9 ng gabi na may exciting blow-by-blow na hatid nina Danny Romero at billiards analyst Recah Trinidad
"Masaya na akong maging Hall of Famer ng event na ito. Pero pipilitin ko pa ring manalo," pahayag ni Vita.
Ang 44-anyos na si Banar, tubong Olongapo na lumaro sa ilang local at international events ay nanalo ng anim na titulo sa major local competition at dating miyembro ng SEA Games silver medalist.
Kailangan niyang manalo ngayon upang tanghaling bagong kampeon sa event na ito na conceptualized ni Tanduay advertising manager Larry Li at suportado ng Tanduay marketing manager na si Andres Co.
"Tingnan natin. Karangalan ang maging bagong kampeon dito. Malaking advantage din ang experience pero mas malaking factor sa laban ang suwerte," banta ni Banar.
Ang sinumang interesadong partido ay maaaring tumawag sa Corporate Billiards League secretariat sa 0918-9219934 o mag-log sa www.-corporate-billiards-league@yahoo.com.