^

PSN Palaro

Dubai Cup: Asian Cities Chess Team Championship sa Tagaytay

-
Susulong ang Asian Cities Chess Team Championship para sa Dubai Cup sa alas-3 ng hapon sa Linggo sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City kung saan 19 teams ang magpapakita ng aksiyon sa international event na ito.

Tampok na panauhin bukas sa opening ceremonies sina Philippine Sports Com-mission (PSC) Chairman Eric Buhain, Tagaytay City Mayor Francis N. Tolentino, World Chess Federation Honorary President Florencio Campo-manes at National Chess Federation Board members sa pangunguna ni NCFP Chairman Andres Gatmaitan at President Mat Defensor, City Mayors at Ambassadors.

Ayon kay Project Director Castro Abundo na ang Philippines ay kakatawanin ng apat na koponan at ito’y ang Tagaytay, Pasay, Mandaluyong at Tanauan sa 9-round Swiss system event.

Ang Tagaytay ay binubuo nina GM’s Eugene Torre, Joey Antonio at Bong Villamayor at IM’s Ronald Dableo at Jayson Gonzales kung saan ang team captain ay si Cris Mangulabnan.

Babandera naman sa Mandaluyong team sina IM’s Mark Paragua, Nelson Mariano, Ildefonso Datu at Richard Bitoon at NM Rolly Martinez na ang team captain ay si Yves Ranola, habang ang Pasay City ay pangungunahan naman nina IM Barlo Nadera, NM Emmanuel Senador, Jerome Balico, Rodolfo Panopio at Oliver Dimakiling na ang team captain ay si Louie Polistico.

Ang Tanauan team ay binubuo naman nina IM Fernie Donguines, NM Teodulfo Nones, Efren Arguelles, Jennifer Mayor at Gabriel Layesa na ang team captain ay si Chito Lai.

Nakatakdang dumating ngayong araw ang mga koponan na pangungunahan ng defending champion na Pavlodar City team ng Kazakhstan, ngunit inaasahang makakasagupa ito ng mahigpit na laban mula sa Guangzhou (China) at Jakarta (Indonesia).

Ang iba pang team na kalahok ay ang Sydney (Australia), Bandar Seribe-gawan (Brunei), Hong Kong, Kanchipuram (India), Sama-rinda (Indonesia), Teheran (Iran), Doha (Qatar), Dubai (United Arab Emirates), Ho Chi Minh (Vietnam), Macau, Kuala Lumpur (Malaysia) at Sana’a (Yemen).

ANG TAGAYTAY

ANG TANAUAN

ASIAN CITIES CHESS TEAM CHAMPIONSHIP

BANDAR SERIBE

BARLO NADERA

BONG VILLAMAYOR

CHAIRMAN ANDRES GATMAITAN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

CHITO LAI

TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with