Taliwas sa kanyang mga naunang laban, mas matinik na kalaban ang susuungin ni Pac-quiao kung kayat siniguro niya na hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon at agad na tatapusin ang kanilang laban. "Kung gutom siya, bubusugin ko ng suntok," ang binitiwang salita ni Pacquiao bago siya tumulak.
"Ngayon natural lang ang pakiramdam ko," ani pa ni Pacquiao. "Excited ako siyempre kasi magaling din si Marquez at dapat paghandaan. May galaw at lakas naman, pagbibigyan ko siya hanggang three-rounds," ani pa ni Pacquiao.
Ayon pa kay Pacquiao mas mapanganib na kalaban ang 30-anyos na si Marquez na taglay ang 42-2 ring record kung saan 33 dito ay pawang mga knockouts na kabilang sa kanyang mga Pinoy na naging biktima ay sina Baby Lorona at Reynante Jamili.
Kasamang umalis ni Pacquiao patungong Los Angeles ay ang security director ni Murad Muhammad na si Salome Bey, chief cornerman Lito Mondejar at trainer Buboy Fernandez upang mag-ensayo sa Freddie Roach gym at aalis naman ang kanyang business manager na si Rod Nazario sa Abril 15.