^

PSN Palaro

'Marquez bubusugin ko ng suntok' - Pacquiao

-
Bago umalis patungong Amerika, nagbanta kahapon si Manny Pacquiao na kanyang patutulugin ang International Boxing Federation (IBF) at World Boxing Association (WBA) featherweight champion Juan Manuel Marquez ng Mexico sa ikatlong round ng kanilang double title fight sa MGM Grand Hotel sa Las Vegas sa Mayo 8.

Taliwas sa kanyang mga naunang laban, mas matinik na kalaban ang susuungin ni Pac-quiao kung kaya’t siniguro niya na hindi niya ito bibigyan ng pagkakataon at agad na tatapusin ang kanilang laban. "Kung gutom siya, bubusugin ko ng suntok," ang binitiwang salita ni Pacquiao bago siya tumulak.

"Ngayon natural lang ang pakiramdam ko," ani pa ni Pacquiao. "Excited ako siyempre kasi magaling din si Marquez at dapat paghandaan. May galaw at lakas naman, pagbibigyan ko siya hanggang three-rounds," ani pa ni Pacquiao.

Ayon pa kay Pacquiao mas mapanganib na kalaban ang 30-anyos na si Marquez na taglay ang 42-2 ring record kung saan 33 dito ay pawang mga knockouts na kabilang sa kanyang mga Pinoy na naging biktima ay sina Baby Lorona at Reynante Jamili.

Kasamang umalis ni Pacquiao patungong Los Angeles ay ang security director ni Murad Muhammad na si Salome Bey, chief cornerman Lito Mondejar at trainer Buboy Fernandez upang mag-ensayo sa Freddie Roach gym at aalis naman ang kanyang business manager na si Rod Nazario sa Abril 15.

BABY LORONA

BUBOY FERNANDEZ

FREDDIE ROACH

GRAND HOTEL

INTERNATIONAL BOXING FEDERATION

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

LITO MONDEJAR

LOS ANGELES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with