^

PSN Palaro

Bagong import ng FedEx,bagong coach ng Ginebra may epekto kaya ?

-
Magkaroon kaya agad ng positibong epekto ang ginawang pagpapalit ng FedEx at Ginebra ng import at head coach nito, ayon sa pagkakasunod, sa kanilang kampanya sa ginaganap na Philippine Basketball Association Gran Matador Fiesta Conference?

Ito ay malalaman ngayon sa pagsagupa ng Express laban sa Shell Turbo Chargers at pagharap ng Gin Kings kontra sa Red Bull Barako sa kambal na sultadang sisiklab sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bigong makapagrehistro ng panalo sa unang apat na pagsalang, ang FedEx ay magtatangkang baligtarin ang kanilang masamang kapalaran sa pagparada nila sa bagong import na si Mike Maddox bilang kapalit ng di-epektibong si Alvin Jefferson.

Ang laban ng Turbo Chargers at Express ay itinakda sa ganap na alas-4:00 ng hapon.

Ang 30 anyos na si Maddox, na beterano ng Continental Basketball League, ay inaasahan ng Express na magbibigay ng kinakailangang lakas, partikular sa depensa, upang kanila nang makuha ang mailap na buwenamanong panalo sa kumperensiyang ito.

Sa apat na kabiguan ng tropa ni coach Bonnie Garcia, lahat sa kanilang mga kalaban ay umiskor ng mahigit 100 puntos, pinakahuli ay ang 105-80 pagmaltrato sa kanila ng Alaska (4-1) noong Miyerkules.

Ang husay ni Maddox ay unang masusukat ng Shell, na ibabalik ang serbisyo ni Marek Ondera at umaasintang mapaganda ang tangang 1-4 rekord. Si Ondera ay nagtamo ng injury sa paa at hindi nakasalang sa nakalipas na 2 laro ng Turbo Chargers, kung saan ang huli ay ang 101-91 pagyuko nila sa Red Bull.

Isa ring kapana-panabik na matutunghayan sa labang ito ay ang pagtatapat ng dalawang dating Ateneo Blue Eagles na sina Rich Alvarez, ang overall top draft pick sa season na ito ng Shell, at Wesley Gonzales ng FedEx.

Ang araw na ito rin ang magsisilbing unang laro ng Ginebra sa ilalim na bagong head coach nitong si Siot Tanquingcen at tatangkain ng pinaka-popular na koponan sa liga na maging maganda ang resulta nito.

Subalit upang maisakatuparan ito, kailangan ng Gin Kings, na gapiin ang Barakos, na nagnanais namang palawigin ang kanilang 2-2 karta.

Si Tanquingcen ang ipinalit kay Allan Caidic, na nabigong maiakyat sa tugatog ang Ginebra sapul ng hawakan niya ito noong 2001. Si Caidic ay itinalaga bilang team manager ng koponan. (Ulat ni Ian Brion)

ALLAN CAIDIC

ALVIN JEFFERSON

ANTIPOLO CITY

ATENEO BLUE EAGLES

BONNIE GARCIA

CONTINENTAL BASKETBALL LEAGUE

GIN KINGS

GINEBRA

IAN BRION

TURBO CHARGERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with