Pero tulad nung sinabi ko sa inyo sa few issues ago, nakatakda ngang mangyari yang mga biglang bumubulaga sa inyong mga balita.
Ngayon naman, hintayin nyo ang isang sikat na PBA player na maaring i-trade na sa isang team very soon.
At huwag nyong sabihing di ko sinabi sa inyo yan ha...
Hindi nila ipinahahalata sa publiko pero grabe ang giyera nila internallly.
Pati mga kamag-anak ni player ay very vocal na sa pagsasalita tungkol sa awayan ni coach at ni star player.
Malabo na rin silang mag-reconcile dahil mukha talagang magulo na sila.
Kita nyo hirap na hirap ang team nilang to make it to the top.
At hanggat nandiyan ang awayang yan, malabo pang mag-champion ang team na ito.
Kailangang mamili ang management sa kanilang dalawa -- si coach o si star player.
Palagay ko, in the near future, pipiliin nila para palitan ay ang kanilang head coach.
Pero kahit papaano, tini-train na siya na mapabilang sa coaching staff ng SMB.
Tumutulong na rin si Boybits sa pag-aassist kay Jong kahit sa practices.
At ngayong si Siot Tanquingcen ay nasa Barangay Ginebra na. Hayagan nang sinabi ni Jong na malamang na gawin niyang assistant coach si Boybits.
Pero parang napakabata pa ni Boybits para maging assistant.
Parang dapat eh naglalaro pa itong si Boybits dahil may ibubuga pa naman siya.