^

PSN Palaro

Arnaiz nanghihinayang sa di paglaro sa PBA Crispa-Toyota match

-
Laking panghihinayang ni Francis Arnaiz na hindi siya nakalaro sa Crispa-Toyota match noong nakaraang taon na naging bahagi ng All-Star Week ng Philippine Basketball Association.

Sa katunayan ay mayroon siyang tape ng naturang reunion game at nakita nito ang mga dating mukhang pamilyar na pamilyar sa kanya.

"I wanted badly to be a part of all that. But there were other important things I had to do. That’s life," sabi ng 52-gulang na nakilalang Mr. Clutch sa kanyang kapanahunan noon sa Toyota.

"Part of me wanted to be there so bad. Not just to play, but to be a part of the whole thing. I wanted to go out there and hug the guys. Atoy Co. (Bernie) Fabiosa. The old enemies," aniya.

Labing walong taon na ang nakakaraan nang iwanan ni Arnaiz ang PBA at nagbalik ito sa bansa para tulungan ang kanyang malapit na kaibigang si Sen. Robert Jaworski sa kanyang pangangampanya.

"There’s nothing like being back home. Back with the people who are your own," wika nito matapos manood ng double header ng PBA Gran Matador Fiesta Conference noong nakaraang Miyerkules sa Araneta Coliseum kung saan ginaganap ang mga laro nang kanilang kapanahunan.

Nagretiro si Arnaiz noong 1986 at ang huli nitong koponan ay ang Ginebra kung saan kasama nito ang Living Legend na si Jaworski na kanyang binalikan para tulungan sa kampanya nito bilang senador.(Ulat ni CVOchoa)

ALL-STAR WEEK

ARANETA COLISEUM

ARNAIZ

ATOY CO

FRANCIS ARNAIZ

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

LIVING LEGEND

MR. CLUTCH

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

ROBERT JAWORSKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with