Singapore sali sa SEABA
March 19, 2004 | 12:00am
Kumpirmado na ang partisipasyon ng Singapore sa 4th Southeast Asian Junior Basketball Championship o SEABA sa darating na April 14-19 sa Lucena City, Quezon.
Dahil dito limang koponan na ang tiyak na lalahok sa taunang kompetisyon na ito, na siyang nagsisilbing qualifying para sa ABC Championships. Nauna nang nagpahayag ng pagdalo ang Indonesia, Malaysia, Thailand at ang host Philippines.
Nagwagi ang Malaysia sa nakaraang SEABA na ginanap sa Kuala Lumpur kung saan pumang-apat lamang ang Pilipinas.
Sasandal sa mga eksperensyadong players na sina Ogie Menor at JR Taganas ng San Beda, Kevin Astorga ng International School, Darryl Bautista ng Adamson, Michael Haw Sy ng Xavier U at Jay Cruz ng University of Sto. Tomas ang RP Juniors.
Samantala, handang handa na ang probinsiya ng Quezon sa pagho-host ng SEABA tournament. Ang Quezon
Convention Center, kung saan gaganapin ang torneo, ay kasalukuyang pinagaganda pa sa pamamahala ng mga kawani at opisyales na pinamu-munuan ni Governor Willie Enverga. (Ulat ni Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended