^

PSN Palaro

Wonder Boy nanalasa sa Palawan

-
Pinalawig ni Revtex Wonder Boy Kenneth San Andres ang kanyang pananalasa ng mangibabaw sa 3rd stop ng 2004 Philippine National Moto-cross Championships sa Brooke’s Point sa Palawan kamakailan nang maglista ng dalawang sunod na impre-sibong panalo upang lalong mapatingkad ang kanyang imakuladang record sa Novice Open at 125. San Andres, ang 2003 National Junior Rider of the Year at Philippine Sportswriters Association (PSA) awardee para sa junior motocross sa nakalipas na tatlong sunod na taon simula noong 2001 ng panalo kontra sa kanyang teammate na si Joey Barnedo at ibigay ang 1-2 finish na pagtatapos sa novice division.

Pinahanga ng 15-gulang na si San Andres na mas bihasa sa Novice 125 ang lahat nang kanyang tawirin ang finish line ng halos daan-daan ang layo sa kanyang runner-up. Ang Novice 125 ay sanc-tioned ng National Motorcycle Sports and Safety Association (NAMSSA) na siyang pipili ng Rookie of the Year.

At ang susi sa tagumpay na ito ni San Andres ay ang pag-gamit niya ng 85cc bike kontra sa kanyang mas matandang kalaban at mas malakas na unit ang gamit.

Nagwagi rin si San Andres na suportado ng Sukida Motor-cycles, Oakley, Remcor Mo-tors, HJC Helmet, UFO, Ren-thal, Alpine Star, Accerbis at JBS Bikeshop, sa ang nau-nang dalawang series ng PNMC sa Batangas at La Union.

ALPINE STAR

ANG NOVICE

JOEY BARNEDO

LA UNION

NATIONAL JUNIOR RIDER OF THE YEAR

NATIONAL MOTORCYCLE SPORTS AND SAFETY ASSOCIATION

NOVICE OPEN

PHILIPPINE NATIONAL MOTO

PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with