^

PSN Palaro

Caidic sinibak bilang coach ng Ginebra

-
Gumawa ng malaking hakbang ang Barangay Ginebra nang kanilang italaga si Siot Tanquingcen bilang head coach ng Gin Kings kapalit ni Allan Caidic.

Ngunit hindi pa rin mawawalan ng papel si Caidic sa koponan dahil pinalitan naman nito si Eric Altamirano bilang team manager ng Ginebra.

Ang dating Purefoods coach na si Altamirano ay nagbalik na ngayon sa San Miguel All-Star Tour para makapag-concentrate na ito sa pagiging project director.

Si Tanquingcen ay dating assistant coach ni San Miguel coach Jong Uichico kung saan nagkaroon na ito ng karanasan sa pagko-coach kung saan naging interim head coach ito noong 2002.

Iniwan ni Uichico ang Beermen sa kamay ni Tanquingcen ng dalawang kumperensiya nang hawakan ni Uichico ang National team na sumabak sa Asian Games sa Busan South Korea.

Ang unang asignatura ng 31-gulang na si Tanquingcen ay ang Red Bull Barako sa Sabado sa Ynares Center na siyang main game.

" I was really shocked when I learned about it. It was really a surprise on my part and of course, there are few anxietes. But management has put a great deal of trust in me and right now, the only goal is to try to live up that trust," ani Tanquingcen.

Sa kanyang two-conference stint sa Beermen, mayroon itong 18-18 win-loss record kung saan nadala niya hanggang third place finish ang Beermen.

Matapos ang limang taong paggiya sa Beermen, sasabak si Caidic, sumikat na player bilang ‘The Triggerman’ sa panibagong trabaho naman ang kakaharapin nito.

Nagsimula siya sa Beermen noong 1999 at nag-coach sa Gin Kings ng siyam na kumperensiya kung saan mayroon itong 59-98 win-loss record.

Isang beses lamang nakarating sa semifinals ang Gin Kings sa ilalim ni Caidic at ito ay noong 2001 All-Filipino Conference kung saan natalo sila sa kapatid na kumpanyang San Miguel sa finals.

Kahapon ay hinarap ni Tanquingcen sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang bagong team para paghandaan ang kanilang laban sa Sabado.

Dahil nabakante ang puwesto ni Tanquingcen, posibleng ibigay ang puwesto kay Boybits Victoria na nagsimula nang mag-aral ng sistema ng coaching.

vuukle comment

ALL-FILIPINO CONFERENCE

ALLAN CAIDIC

ASIAN GAMES

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

BOYBITS VICTORIA

CAIDIC

GIN KINGS

SAN MIGUEL

TANQUINGCEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with