Happy 18th birthday sa PSN
March 17, 2004 | 12:00am
Parang kailan lang yung nag-umpisa kaming magsulat ng aming kolum dito sa Pilipino Star Ngayon.
Sa kasagsagan ng marami naming problema sa buhay noon, binigyan kami ng pagkakataon at pagtitiwala ng aming kaibigan, kumare at editor na si Dina Marie Villena para sumulat ng kolum sa kanyang sports page.
Kaybilis nga ng panahon dahil ngayon, 18 years old na ang Pilipino Star Ngayon.
Sa pagpasok niya sa kanyang 18th year, ito na ang numero unong tabloid ng masa. Ang sirkulasyon nito araw-araw eh hindi matatawaran at sa matindi nitong pass on readership , ipinagpalagay na milyon-milyon ang nakakabasa ng diyaryong ito sa araw-araw.
Hindi naging madali para sa Pilipino Star Ngayon ang tanghaling numero uno. Kaytagal na panahon na ipinagpatuloy ng mga taong nagpapatakbo nito na pag-ibayuhin ang bawat pahina nito, bigyan ng kakaibang buhay ang bawat balita at pinturahan ng bagong kulay ang bawat araw upang sa paglipas ng panahon ay matuto siyang mahalin ng bawat mambabasa.
Maraming kalaban, maraming bago na duma-rating, ngunit ang lahat ng ito ay lalo lang nagsilbing malaking hamon para sa aming editor in chief na si Al Pedroche na pipiliting maging kapuso at kapamilya ng PSN ang ibat ibang klase ng mambabasa, at sa ibat ibang klase ng panahon. Oo, naging bahagi na nga ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pinoy ang Pilipino Star Ngayon.
Patuloy itong lumalago, lumalawig, at kung ang PSN ay isang babae, debut niya ngayon at nag-uumpisa pa lang ang kanyang panibagong buhay, at ngayon pa lang siya bale papalaot sa alta-sosiedad. Sa kanyang debut o 18th birthday, si Miguel Belmonte ang siyang tiyak na escort niya sa kanyang party. Si Miguel ang presidente at big boss ng PSN. Si Boss Miguel, na sa paglipas ng ibat ibang klaseng krisis ng ating bansa eh na-natiling bukas ang kaisi-pan sa ibat ibang pagba-bago na kinaila-ngang ihampas niya sa bawat issue ng PSN. Si Boss Miguel, na sa paglipas ng maraming panahon ay hindi kailanman nakali-mot na mamahagi ng anumang suwerte sa lahat ng taga-PSN. Di ba, Angie Isidro? Si Boss Miguel, na sa pagdaan ng labing-walong taon ay siya niyang laging kaa-gapay.
Tiyak na maraming taga-PSN ang magka-kandarapang mag-alay sa kanya ng 18 roses, at kapag isasayaw na siya, tiyak na mas marami ang mag-aagawang maisa-yaw siya.
Tulad ng ginagawa natin kapag bumabati tayo sa sinumang may kaarawan, we can only wish for only the best for Pilipino Star Ngayon. Heres for another 18 years of true service, of honest and sincere com-mitment to serve every Filipino.
Happy 18th birthday, Pilipino Star Ngayon!
Mabuhay ang lahat ng taga-Pilipino Star Ngayon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am