^

PSN Palaro

2 umaatikabong boksing pagkatapos ng elims

-
Dalawang umuusok na bakbakan ang mapapanood ngayong gabi kung saan maghaharap ang dalawang kampeon sa pagtiklop ng final elimination round encounter ng 2004 Philippine Pro-Boxing League National Invitational Junior Bantamweight Championship.

Sasagupain ng reig-ning RP Jr., bantamweight champion Eric ‘The Maverick’ Barcelona ang kasalukuyang PBF Jr., Bantamweight king Roselito ‘Tornado’ Campana sa isang klasikong labanan.

Suportado ng Tanduay Rhum at Lactovitale, ang nasabing laban ay mapapanood ngayong alas-9 ng gabi sa IBC-13. Inaasahan na ng mga league watchers na ang 10-round bout ay siguradong uusok sa pagpapalitan ng matitindi at mabibilis na kumbinasyon ng mga kamay ni Barcelona kontra naman kay Campana na bagamat naka-steady lang mayroon itong naitatagong agresibong estilo.

Ang dalawang fighters ay pawang kilala dahil sa kanilang matikas na kumbinasyon na siyang nagdala sa kanila sa kanilang kinalalagyan.

Aakyat si Campana, prodigy ng traditional boxing powerhouse na Sammy Gelloani stable sa Cebu na taglay ang 12-5 win-loss card na may 4 na knockouts at siya ay kilala rin sa kanyang monicker na ‘Tornado’ dahil sa kanyang simbilis na hanging estilo ng kanyang pakikipaglaban.

Nauna ng idineklara ng PBF champ na handa siyang harapin ang RP champion sa anumang labanan nang siya ay lumagda ng four-stage stepladder tournament.

"Kung champion siya, champion din naman ako sa PBF. Patas lang kami. Di ako takot sa kanya," wika ni Campana na nagsabi pa na kanyang tuturuan ng leksiyon sa boxing ang kanyang kalaban.

Sa kabilang dako naman, aakyat rin sa ibabaw ng lona ang 22-gulang na si Barcelona, ipinagmamalaki mula sa pamosong Lazarito stable sa Cagayan na dala naman ang 26-5 win-loss slate na may 9 KO’s.

"Gusto kong makasali dito sa PPBL dahil nandito lahat nang magagaling sa division namin. Hindi ko naman makakalaban ang mga yan kung nasa labas lang ako. Dito, labo-labo kami," wika naman ng tinaguriang ‘The Maverick.’

vuukle comment

AAKYAT

CEBU

DALAWANG

DITO

INAASAHAN

LACTOVITALE

LAZARITO

PHILIPPINE PRO-BOXING LEAGUE NATIONAL INVITATIONAL JUNIOR BANTAMWEIGHT CHAMPIONSHIP

SAMMY GELLOANI

TANDUAY RHUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with