FedEx tangkang ibangon ni Maddox
March 17, 2004 | 12:00am
Sa nakaraang laro ng Alaska, naging magaan ang kanilang panalo dahil walang import ang kalaban.
Ngunit ngayon, mabigat na hamon ang kanilang haharapin dahil bago ang import na kanilang makakatunggali sa pagpapatuloy ngayon ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Isasalang ngayon ng FedEx si Mike Maddox sa kanilang alas-4:45 ng hapong pakikipagharap sa Alaska na susundan ng engkwentro ng Sta. Lucia at Talk N Text sa alas-7:10 ng gabi.
Parehong may 3-1 rekord ang Aces at Phone Pals ngunit higit na mas mainit ang una dahil galing ito sa back-to-back win.
Si Maddox na pumalit kay Alvin Jefferson ay nakalistang 69 sa US ngunit inaasahang papasa ito sa 68 height ceiling para sa transition tournament na ito.
Huling naglaro si Maddox sa China para sa Xinjang Gyang Hui team at kumampanya sa United State para sa Trojan Atlanta noong 1999 at naglaro din sa isang Indonesian ballclub sa ilalim ng Filipino coach na si Bong Ramos.
Nabigong makapaghatid si Jefferson ng panalo sa tatlong laro ng FedEx matapos ma-impress ang mga basketball fans nang kanya43ng basagin ang 10-taon nang backboard ng Araneta Coliseum sa kanilang pre-season match laban sa Alaska.
Ang kakayahan ni Maddox ay masusubukan sa all around import ng Alaska na si Galen Young.
Muntik nang maka-triple double si Young sa kanilang nakaraang laban sa pagkamada ng 28-puntos, 10 rebounds at walong assists at inaasahang muling sasandalan ito ng Aces sa kanilang laban ngayon.
Nadiskaril ang debut ni Derrick Brown, dating import ng Purefoods, sa kanyang bagong team na Sta. Lucia nang kanyang harapin ang dating team.
Humakot si Brown, naghatid sa TJ Hotdogs sa dalawang titulo noong 2002, ng 38-puntos ngunit hindi niya naihatid sa panalo ang Realtors na bokya pa rin sa apat na asignatura, sa laro kung saan nag-init si coach Al-francis Chua na napatalsik sa laro na siyang dahilan para pagmultahin ito.
Nakatakas sa suspensiyon si Chua ngunit pinagmulta ito ng malaki sa di malamang halaga nang kanyang tabigin ang kamay ni referee Joey Calungca-guin na kaya tumama ang bola sa opisyal na siyang dahilan para patalsikin ito sa laro. Ito ang kanyang reaksiyon sa tawag ng referee na pumanig sa kalaban. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am