^

PSN Palaro

PSN magde-debut bukas

-
Bukas idaraos ng Pilipino Star Ngayon ang ika-18th taong anibersaryo.

Kung baga sa isang babae, magde-debut na kami.

Parang kailan lang, kay bilis talaga ng panahon simula nang mag-umpisa ang PSC noong Marso 17, 1986, pagkatapos ng EDSA Revolution.

At sa aming tema na "Pataas ng pataas! Palakas ng palakas!" masasabing naabot na ng Pilipino Star ang mithiin nitong mapalaganap sa buong Pilipinas. Katunayan, hindi lang sa Pinas kundi sa Hong Kong number 1 na kami at sinisikap pa ng aming management sa pamumuno ng aming presidente na si Mr. Miguel Belmonte na palawakin ito sa buong Asya bukod pa sa worldwide internet nito.

At lahat ng ito ay utang namin sa inyong walang sawang pagsubaybay at pagtangkilik.

Sana, umabot pa kami ng hanggang sa ika-50th taong pagdiriwang.

At mangyayari lamang ito sa tulong ninyong lahat.

Kaya abut-abot ang aming pasasalamat sa inyong walang sawang pagtangkilik.

Salamat sa aming mga advertisers, dealers, readers, at iba pang malaki ang naitutulong upang mapaunlad namin at maabot ang ika-18 taon.

Huwag sana kayong magsasawa at patuloy ninyong samahan kami at maging kapamilya sa mga susunod pang taon.
* * *
Nagsuguran daw sa Department of Justice ang homegrown talent PBA cagers natin.

Hinihiling ang madaliang pagpapatalsik sa mga Fil-Am players na napatunayan ng Senadong Fil-shams.

Ano ba ‘yan, buhay na naman ang isyu tungkol sa Fil-Ams lalo na ngayong umarangkada sa kasalukuyang PBA Fiesta Cup si Paul Asi Taulava ng Talk N Text.

Sana naman magkaroon na ng resulta ang hiling nila at ng matahimik na rin ang mga local Pinoy cagers natin.

Pero sana rin, maipakita ng ating local Pinoy cagers ang kanilang worth para sa team hindi yung pinagbubuntunan ng pansin ang mga Fil-foreign cagers para hindi mapuna ang walang kuwenta nilang performance.

Sa ngayon, unti-unti nang bumabangon ang PBA dahil sa mga rookies natin. Kung baga eh, nakalikha na ng bagong superstars ang PBA dahil sa mga rookies na ito kaya bumabalik na rin ang mga fans.

Sana nga magtuloy-tuloy na ito.

DEPARTMENT OF JUSTICE

FIESTA CUP

HONG KONG

MR. MIGUEL BELMONTE

PAUL ASI TAULAVA

PILIPINO STAR

PILIPINO STAR NGAYON

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with