Idinisenyo para mas lalong palakasin ang pagdevelop ng talento ng mga Filipino sa basketball at makapagdala ng kakaibang amateur competition sa countryside, idaraos ng URBL ang kanilang inaugural tournament sa Mayo sa Cebu City.
Nakatakdang sumali ang mga powerhouse teams na nagpa-lakas ng moral ng mga dating pro players at local provincial talents sa URBL upang maging isa sa pinaka-exciting na liga sa bansa.
Ang mga koponan na nangakong sasali ay kinabibilangan ng Michelle Lhuillier ng Cebu, Compac-Shineway Ozamiz ni Mayor Reynaldo Parojinog, Ben Solon ng General Santos at ng team ni Mayor Deo Quano ng Mandaue sa South.
Ang North teams ay kinabibilangan ng Ilocos Sur Snipers ni Gov. D. V. Savellano, Mayor Freddie Tinga Team Forward Taguig at Nueva Ecija-Konica na pag-aari ni Edward Joson.
Marami pang koponan ang umentra para sa pinal na negosasyon hanggang sa kasalukuyan dahil sa ipinakitang bilang ng mga interesadong korporasyon at local at provincial government para sa kani-kanilang sports development programs.
Ang URBL ay nasa ilalim ng stock corporation na ang mga kopo-nang sasali sa liga ay maaaring may-ari ng shares of stock. Kasalukuyan ring niluluto ang negosasyon para sa tatlong television station para sa karapatang isa-ere ang nasabing liga.
Kasalukuyan rin ang negosayon ng URBL kay dating PBA legend na si Ramon Fernandez para maging commissioner.
Para sa iba pang detalye, tumawag kay deputy commissioner (South), Francis Rodriguez sa 09193071148 o kaya kay deputy commissioner (North) Moe Chulani sa 09175305788.