^

PSN Palaro

San Miguel Beer malinis pa rin

-
Markado na ang San Miguel import na si Art Long na isang mainit na player. May record na ito sa mga ‘trouble’ na kinasangkutan nito, isa na rito ang bench clearing incident noong 2002 Commissioners Cup kung saan nagpang-abot sila ng Red Bull import na si Tony Lang.

Nagkaroon ng ilang pagkakataong maulit ang ganitong eksena kagabi sa muling pagkukrus ng landas ng San Miguel at Red Bull ngunit hindi ito pinagbigyan ni Long na mangyari.

Imbes na mapa-trouble, ibinuhos na lamang ni Long ang kanyang galit sa laro.

Ang resulta ay 27 pun-tos at impresibong 30 rebounds para ihatid ang Beermen sa 86-77 panalo laban sa Barakos na nagpatayog ng kanilang nangungunang rekord sa malinis na 4-0 kartada sa kasalukuyang elimination ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum kagabi.

"It’s kind a hard for me but my teammates are keeping my cool on the court," pahayag ni Long na dismayado sa mga tawag ng mga referees. "Sometimes the fouls are just obvious and there was no call and I get a knick-knack calls."

Akala ng lahat ay sasabog na si Long nang itulak ito ni Enrico Villa-nueva sa kanyang drive basket, pinormahan na niya ito, ngunit nagawa pa rin niyang makapagpigil.

"Coach Jong (Uichico), and my teammates kept telling me that they (Red Bull) will try to get me but my teammates just keep my cool," sabi pa ni Long.

Tumapos lamang ang bagong import ng Red Bull na si Douglas Wrenn, produkto ng University of Washington na kagagaling sa ABA para sa Kansas City ng 12 puntos at siyam na rebounds para sa Red Bull na lumasap ng ikalawang talo sa apat na laro matapos ang back-back-to-back win.

Samantala, habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang Ginebra at Coca-Cola.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ART LONG

COACH JONG

COMMISSIONERS CUP

DOUGLAS WRENN

ENRICO VILLA

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

KANSAS CITY

RED BULL

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with