Reyes nag-iisang Pinoy na naiwan sa kontensiyon
March 14, 2004 | 12:00am
Nag-iisang Pinoy na lamang na nasa kontensiyon si Efren Bata Reyes patungo sa quarterfinals ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Nguyen Du Sports Hall sa Ho Chi Minh City.
Si Reyes na kuma-kampanya sa kanyang ikatlong sunod na Asian 9-Ball leg ay madaling dinispatsa si Mana Uphraphai ng Thailand, 9-1.
Umusad ito sa round of 16 kung saan ginapi naman niya si Po-Cheng Kuo ng Chinese Taipei, 9-6 sa mahigpitang laban kung saan ginamit ni Re-yes ang kanyang karana-san at abilidad na magpakita ng mahika nang kinailangan habang isa-isang pinatatalsik ang kanyang mga kababayan.
Pansamantalang isinantabi ng kaibigang matalik na si Francisco Django Bustamante ang kanyang kabiguan kay Alok Kumar sa unang yugto sa Singapore, makaraang pabagsakin ang Taiwanese na si Chen Huang Wu, 9-4, ngunit kakabit pa rin ang kabiguan makaarang patalsikin ito ng di-kilalang Thai player na si Chatchawal Ruthpae, 9-4.
Nakalusot naman si Warren Kiamco, runner up ni Reyes sa Singapore, kay Manan Chandra ng India, 9-7, hindi kay 2000 World Pool champion Fong Pang Chao para sa 7-9 kabiguan.
Ang ikaapat na Pinoy na minalas ay si Asian Games gold medalist Lee Van Corteza na yumuko sa klasikong star sa Busan Asian Games at quarterfinalist sa 2003 World Pool na si Hsia Hui Kai, 9-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended