Ngunit tila hindi magiging madali para sa 51-anyos na tubong Nagcarlan, Laguna na makamit ang kanyang panalo ngayon dahil ang kanyang makakasagupa ngayon ay ang veteran campaigners na sina Benedict Baay at Florencio Banaas sa kanyang kampanya na mapanatili ang korona sa ikawalong sunod na linggo sa event na ito na spon-sored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinsons Malls, Accel, Hope The Luxury Ciga-rrettes at Rommels Billiards ang opisyal na lamesa.
Ang nasabing laban na conceptualized ni Tanduay advertising manager Larry Li at suportado ni Tanduay marketing manager Andres Co, ay ipalalabas sa National Broadcasting Network ngayong gabi sa primetime, 8-9 p.m.
Kung mananalo si Johnson, makakasama niya si Antonio Gaga Gabica sa Tanduays elite circle ng billiards winners na mag-papakita ng aksiyon sa Battle of Champions sa pagtatapos ng taong ito.
Batid ni Vita ang kanyang haharaping mabigat na hamon kontra sa mas may karanasan na si Baay na kilala sa local billiards bilang Silent Assassin.
Si Baay din ang isa sa naging susi sa pag-akyat ng Skyflakes sa best-of-seven championship series kontra sa Beer Na Beer sa kickoff season ng Corporate Billiards League.