^

PSN Palaro

Isang panalo na lang,Vita nasa Hall of Fame na

-
Isa pang panalo at mailuluklok na ang defending cham-pion na si Johnson Vita sa Hall of Fame ng Search for Tanduay the No. 1 Billiards Player" sa Robinson’s Galleria.

Ngunit tila hindi magiging madali para sa 51-anyos na tubong Nagcarlan, Laguna na makamit ang kanyang panalo ngayon dahil ang kanyang makakasagupa ngayon ay ang veteran campaigners na sina Benedict Baay at Florencio Banaas sa kanyang kampanya na mapanatili ang korona sa ikawalong sunod na linggo sa event na ito na spon-sored ng Tanduay the No. 1 Rhum, Robinson’s Malls, Accel, Hope The Luxury Ciga-rrettes at Rommel’s Billiards — ang opisyal na lamesa.

Ang nasabing laban na conceptualized ni Tanduay advertising manager Larry Li at suportado ni Tanduay marketing manager Andres Co, ay ipalalabas sa National Broadcasting Network ngayong gabi sa primetime, 8-9 p.m.

Kung mananalo si Johnson, makakasama niya si Antonio ‘Gaga’ Gabica sa Tanduay’s elite circle ng billiards winners na mag-papakita ng aksiyon sa ‘Battle of Champions’ sa pagtatapos ng taong ito.

Batid ni Vita ang kanyang haharaping mabigat na hamon kontra sa mas may karanasan na si Baay na kilala sa local billiards bilang ‘Silent Assassin.’

Si Baay din ang isa sa naging susi sa pag-akyat ng Skyflakes sa best-of-seven championship series kontra sa Beer Na Beer sa kickoff season ng Corporate Billiards League.

vuukle comment

ANDRES CO

BATTLE OF CHAMPIONS

BEER NA BEER

BENEDICT BAAY

BILLIARDS PLAYER

CORPORATE BILLIARDS LEAGUE

FLORENCIO BANAAS

HALL OF FAME

TANDUAY

TANDUAY THE NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with