Laguna tuloy ang pananalasa
March 12, 2004 | 12:00am
SAN PABLO, City--Patu-loy ang pananalasa ng nagta-tanggol ng koronang Laguna nang humakot na naman sila ng 12 gintong medalya kaha-pon sa ginaganap na CALA-BARZON Athletic meet sa San Pablo Sports Complex dito.
Sa kanilang 12 bagong medalyang hinakot, pito dito ay mula sa track and field at ang lima ay buhat naman sa ibat ibang sports.
Muling pinangunahan ni Jasmine Chavez ang koponan ng mga taga Laguna nang masungkit niya ang ginto sa 800m run sa pamamagitan ng 2:30 oras upang maging kaisa-isang atleta sa junior division na may tatlong medalyang ginto na panalo.
Ang third year high school student ng P. Guevarra School Sta. Cruz Laguna na itinanghal na Most Valuable Athlete sa meet noong isang taon na ginanap sa Batangas nang siya ay magwagi ng limang gold medals ay malakas na kandidato para muling tang-haling MVP Athlete sa secondary level.
Tulad ni Chavez, si Arianne Sumague ay nakamit din ang kanyang ikatlong gintong medalya sa elementary division nang makopo niya ang 400m hurdle sa oras na 1:11.22.
Hindi rin maisasantabi ang ipi-nakita ng mga atleta mula sa Rizal province nang sila ay makasungkit ng 9 na gold upang umakyat sa 2nd place mula sa 4th place.
Nagpasiklab si Maricel Ma-riano nang hakutin niya ang kan-yang ikalawang gold nang mag-wagi sa triple jump na may layong 10.62m.
Ang iba pang mga Lagunians na nagwagi ng gold sa athletic ay sina Angelito Soliven sa secon-dary boys division ng 110 hurdles sa oras na 16.12, Ira Hernandez na nagtapon sa discuss ng layong 24.82 sa elementary level at Kathleen Nogada sa secondary level ng 800m run.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended