Fans day ng Welcoat bukas

Bukas ay Fans Day ng Welcoat team sa Pasig Sports Center.

Aba, pati PBL team ngayon eh nagpapa-fans day na rin.

I am sure maraming fans ng Welcoat ang matutuwa na makita ang kanilang paboritong team at makita na rin ang mga bago nitong players.

Sa pagpasok ng susunod na PBL conference, medyo malaki ang naging pagbabago sa Welcoat team dahil sa marami ang nawala sa kanilang mga players na ngayon eh nasa PBA na.

Kabilang diyan sina James Yap, Marc Pingris at Nelbert Omolon.
* * *
May mga bago silang players tulad nina Marvin Ortiguerra at Chester Tolomia, pati na rin si Christian Guevarra. Nagbabalik sa team si Dino Aldeguer na noon ay makailang beses na nakatulong sa championship ng Welcoat.

Nandiyan pa rin sa team sina Ariel Capus, JR Reyes, Jojo Tangkay, Melvin Mamaclay at Rodel Celo.

Makakasama na rin nila ang Fil-Am na si Donald Dulay na inaasahang magiging magaling na pointguard para sa kanila.
* * *
‘‘Naniniwala kaming malaking bagay para sa mga followers namin ang magkaroon ng ganitong fans day. Malaki ang suporta nila sa amin, manalo o matalo man kami. We’re starting our cam-paign this year sa pamamagitan ng fans day na ito. Pasasalamat na rin naman ito sa lahat ng mga sumusuporta sa amin through the years,’’ sabi ni Raymond Yu, team owner ng Welcoat Paints.

Ganyan din naman ang sabi ni Terry Que, isa pa ring team owner ng Welcoat.

‘‘We’re happy that we will be seeing the fans of Welcoat. Minsan lang namin magagawa ang ganitong fans day at natutuwa na rin kami na makakasama namin ang mga taong walang sawang nagtsi-cheer sa amin all through thick and thin.’’
* * *
Maibabalik pa ni Leo Austria ang dynasty ng Welcoat sa PBL?

Sa pananaw ni Boy Lapid, assistant team manager, malamang na mangyari ito simula sa susunod na conference. ‘‘Maganda naman ang ginagawang build-up ng team ni Coach Leo. Sa tingin ko, maganda-ganda ang laban namin sa susunod na conference. Kahit na nawalan kami ng ilang key players, marami rin namang dumating na malalakas na players. Sa nakikita ko sa practice, okay naman ang takbo at nagje-jell naman lahat.

If they play their best, walang dahilan na hindi kami mag-champion muli,’’ sabi ni Boy.

Show comments