^

PSN Palaro

2004 CALABARZON MEET: Laguna Girl nagningning

-
SAN PABLO City--Isang taga-Laguna na naman ang nagningning kahapon sa ikatlong araw ng pagtatanghal ng CALABARZON athletic meet sa San Pablo Sports Complex sa pamamagitan ng kauna-unahang double gold winner.

Si Ma. Jasmine Chavez, isang third year student ng P. Guevarra School sa Sta. Cruz, Laguna ang nagwagi ng gold medal sa 400m hurdles secondary girl’s division na may oras na 1.06 at sa 100m dash sa oras na 12.88 upang pamunuan ang paghakot ng 7 karagdagang gold upang ilayo ang Laguna sa mahigpit na labanan para sa overall crown na may kabuuang 10 gold medal sa tatlong araw pa lang na natatapos na sportsfest.

Si Ildefonso Jay-Ar Lapugot ng lalawigan rin ng Laguna ang naghari naman sa 100m secondary boys division sa oras na 11.44 bilang ambag din para sa tagumpay ng Laguna.

Tulad nina Chavez at Lapugot, si Jhonas Minas ang nagwagi naman sa 400m hurdles secondary division sa oras na 58.25, si Macy Akio Estioko sa girls secondary triple jump sa layong 10.11 metro at Editha Cuadra na nagtapon ng javelin sa layong 26.91 bilang paghatak sa itaas sa Laguna team.

Sa kabilang dako, ang Quezon ay unti-unti na ring lumalayo sa pagkakabuhol sa triple-tie sa first place upang tumutok sa Laguna nang ang mga Quezonian ay magwagi naman ng dalawang gold medal upang magkaroon ng kabuuang apat tulad ng Batangas na nalaglag sa third place sa dahilang pagdating sa silver medals ay mas lamang ang Quezon sa 12-3.

Si Ronilio Garabajo ang kumopo ng high jump sa boys secondary division sa paglundag ng taas na 1.72m upang talunin sina Jaypee Salisod ng Laguna na may 1.70 at Bong Molyon sa 100m boys elemen-tary division sa oras na 12.05.

BONG MOLYON

EDITHA CUADRA

GUEVARRA SCHOOL

JASMINE CHAVEZ

JAYPEE SALISOD

JHONAS MINAS

LAGUNA

MACY AKIO ESTIOKO

QUEZON

SAN PABLO SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with