^

PSN Palaro

San Miguel Asian 9-Ball Tour dadako sa Vietnam

-
Ang Vietnam naman ang punong-abala ngayon ng ikalawang yugto ng San Miguel Asian 9-Ball tour.

Ito ang unang pagkakataon na iho-host ng Vietnam ang isang inter-national event matapos mag-host ng Southeast Asian Games noong Disyembre 2003.

Pangungunahan ni world number one player Francisco Bustamante ang may 32 top Asian players para sa second leg ng five-city San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Nguyen Du Sports Hall sa Ho Chi Minh City kung saan lahat ng aksiyon ay ipapalabas sa STAR SPORTS sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Marso 13 at 4:30 sa Marso 14 (Singapore/HongKong time).

Tampok sa lahok ang 8 sa world’s top 50, ang kompetisyon ngayong linggo ay magbibigay din ng oportunidad sa 32 kalahok na manlalaro na maka-ipon ng qualifying points patungo sa World Pool Championships sa Hulyo. Ang Tour ang tanging ranking event sa Asya para sa mga manlalaro na uusad sa World Pool Championships.

Dagdag pa dito ang prize money na nagkakahalaga ng US$50,000 at sa mga susunod pang yugto ng San Miguel 9-Ball Asian Tour sa Hong Kong (Abril 17-18), Taipei (Mayo 7-9) at Manila (Mayo 29-30). Ang main draws ay kinabibilangan ng mga players mula sa 11 Asian region.

Noong Singapore leg may dalawang linggo na ang nakakaraan, nabigo ang Taiwanese na si Yang Ching Shun na idepensa ang kanyang titulo nang angkinin ito ng Pinoy legend na si Efren ‘Bata’ Reyes. Dinaig ng tinagu-riang "The Magician" ang kababayang si Warren Kiamco, 11-4 sa finals habang inilista ni Kiamco ang Tour record nang umakyat ito sa finals sa ikatlong sunod na tour leg.

Kakatawanin naman nina Vu Trong Khai, Nguyen Phuc Long, Nguyen Thanh Nam at Nguyen Phuong Thao ang host Vietnam. Ang tatlo ay kabilang sa Asia’s top 50.

ANG TOUR

ANG VIETNAM

BALL ASIAN TOUR

BALL TOUR

FRANCISCO BUSTAMANTE

HO CHI MINH CITY

HONG KONG

MARSO

SAN MIGUEL ASIAN

WORLD POOL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with