PBA Fiesta Conference: Beermen lusot sa TnT
March 11, 2004 | 12:00am
Para kay San Miguel coach Jong Uichico, isang mabigat na pagsubok ang kanilang laban kontra sa Talk N Text at matagumpay nilang nalusutan ito sa pamamagitan ng 100-96 panalo kagabi sa PBA Gran Matador Fiesta Conference sa Araneta Coliseum.
Naging susi sa panalong ito ng Beermen ang mga krusiyal na baskets ni Danny Ildefonso sa huling maiinit na minuto ng labanan tungo sa kanilang ikatlong sunod na panalo upang agawin ang liderato sa Phone Pals na lumasap ng kanilang unang kabiguan matapos ang tatlong dikit na tagumpay.
Umiskor si Ildefonso ng siyam na puntos sa final canto, limang puntos nito sa krusiyal na 11-5 produksiyon ng San Miguel para ilayo ang agwat sa 98-90 mula sa freethrows ni Olsen Racela, 15 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.
"I think we passed the first test. This is one of the hard test because we consider Talk N Text as one of the contenders," wika ni Uichico.
Tumapos si Ildefonso ng 18 puntos tulad nina import Art Long at ang balik aksiyon nang si Danny Seigle sa likod ng 19-points performance ni Dorian Peña.
Samantala, dadako naman ang PBA action sa Bataan sa paghaharap ng FedEx Express at Barangay Ginebra sa alas-5:30 ng hapon sa Balanga Peoples Center.
Ipaparada ng Ginebra ang kanilang bagong import na si George Reese, produkto ng Ohio State University, beterano ng Continental Basketball Association (CBA) na siyang pumalit kay Roselle Ellis.
Ang import ng FedEx na si Alvin Jefferson ang susubok sa kakayahan ni Reese sa kanilang pagtatangkang makapasok sa win column.
Kasalukuyan namang nagbabakbakan ang Red Bull Barako at Shell habang sinusulat ang balitang ito. (Ulat ni Carmela V.Ochoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest