^

PSN Palaro

HANEP ANG BAGONG MILO TV COMMERCIAL!

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Pagka-ganda-ganda ng bagong Milo commercial!

Ito na yata ang isa sa pinakamagandang na-produce na commercials for TV.

Makikita rito ang mga sports heroes na sina Bea Lucero, Mon Fernandez, Christine Jacob, Lydia de Vega, Monsour del Rosario at marami pang iba.

Kasama pa diyan ang iba pang kabataan na sinasabing sa mga darating na panahon eh siyang magiging next sports heroes ng ating bansa.

Isang bagay na kailangang-kailangan natin sa ating sports.

Matagal-tagal na rin namang wala tayong matatawag na mga sports heroes, except sa mga tulad nina Manny Pacquiao at Efren ‘Bata’ Reyes.

Napapanahon ang commercial ng Milo considering na papalapit na naman ang napakaraming international sports events.

Magkaisa-isa sana ang ating mga sports leaders in working hard, in unifying themselves, para makapag-pro-duce na tayo muli ng mga bagong bayani sa larangan ng sports.

Binabati namin ang mga production people at think tank ng Milo commercial na ito.

Mabuhay kayong lahat at sana’y magsilbi itong inspirasyon para sa iba na gumawa pa ng napapanahon, makabuluhan at magandang TV commercial tulad ng ginawa ninyo.a
* * *
Isa pang naging malaking tagumpay ay ang Star Group of Publications na nagtanghal ng isang mini-Olympics nung Sabado sa Rizal Memorial Track Oval.

Napakasaya at kahit na matindi ang init ng araw, binalewala ito ng sangkaterbang empleyado ng Star para lang magpakitang-gilas hindi para sa perang pa-premyo kundi para sa kasiyahan, kalusugan, at pakikipag-kaibigan, isang pagpapatunay na ang daan-daang empleyado ng Star ay magkaka-pamilya at magkaka-puso.

Ito’y sa selebrasyon na rin ng 18th anniversary ng Pilipi-no Star Ngayon.

Kaybilis ng panahon at kaybait ng kapalaran para sa PSN dahil parang kailan lang nung mag-umpisa kaming magsulat dito sa PSN eh ngayo’y nakaka-18 years na pala ito sa sirkulasyon at isa sa pinakamabili, kundi siyang pina-kamabiling babasahin sa ngayon.

Naging judge kami sa Best Muse Team at Best Cheering Team kasama sina Gus Abelgas at Jarius Bondoc. Kahit na mainit sa kinalalagyan namin, balewala rin sa aming tatlo dahil kami mismo’y enjoy na enjoy rin.

Maging ang Presidente ng PSN na si Mr. Miguel Belmonte ay nakisaya at nakilahok din sa mga games.

Mabuhay ang lahat ng taga-PSN at Philippine Star!
* * *
Personal: Happy birthday kay Senator Robert Jaworski na nagdiwang ng kanyang kaarawan nung Lunes. Ngayong araw na ito, si Jojo Lastimosa naman ang nagdiriwang ng kanyang birthday. Birhday din ng aming kaibigan na si Peter Gan. Maligayang kaarawan sa ‘yo Peter at maraming sala-mat sa pagiging isang kaibigan all through these years. At kay Tita Vero Samio noong Marso 7.

BEA LUCERO

BEST CHEERING TEAM

BEST MUSE TEAM

CHRISTINE JACOB

GUS ABELGAS

JARIUS BONDOC

JOJO LASTIMOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with