PBL Unity Cup tuloy na tuloy na

Wala ng pagpapaliban.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng matataas na opisyal ng Philippine Basketball League kahapon at gaya ng naunang plano, magbubukas ang season-opening ng 2nd Unity Cup matapos na ang liga at ABS-CBN ay nagsara ng kanilang tatlong taong kontrata para sa pagsasa-ere ng nasabing liga.

"Tuloy na sa March 27," wika ni deputy commissioner Tommy Ong kung saan siya ang nagsalita para sa parte ni commissioner Chino Trinidad na nasa out-of-town para dumalo sa libing ng kanyang biye-nan.

"The ball is now in their hands dahil we’ve already sent them our final counter proposal so we expect the contract signing early next week," dagdag pa ni Ong patungkol sa Studio 23 ang URL channel ng ABS-CBN bilang league’s coveror.

Ipinaliwanag pa ni Ong na hindi nila kayang ipagpaliban ang pagbu-bukas ng liga dahil ito ay nakatakda na at magkakaroon ng kumplikado sa mga top National Capital Region (NCR) collegiate leagues gaya ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Ganito rin ang tinuran ni Chairman Dioceldo Sy ng DSS Product Makers Inc., na siyang may-ari ng Blu Detergent.

"Tuloy sa March 27 as far as I know. I was told nagsu-survey muna daw sila (Studio 23) kung puwedeng isabay ang PBL sa PBA," ani Sy na ayon pa sa kanya, mismong ang ABS-CBN top honcho na si Gabby Lopez ang siyang dadalo sa contract signing.

May kabuuang walong koponan ang maglalaban-laban sa kompe-rensiyang ito at ito’y ang Fash Liquid Laundry De-tergent, Welcoat Paints, Blustar, Sunkist-UST, Montana Pawnshop, Viva Mineral Water at ang Toyota Otis-Letran at ang Lee Pipes-Ateneo.

Show comments