Masaya-masaya ang lahat
March 9, 2004 | 12:00am
Isang masayang mini-olympics ang ginanap sa Rizal Memorial track oval noong Marso 6, Sabado.
Ito ay ang 2nd STAR Group of Publications Mini-Olympics kung saan host ang Pilipino Star Ngayon na magdiriwang ng 18th anniversary sa Marso 17.
Kwela at punum-puno ng kasiyahan ang naganap na palaro para sa mga empleyado na hinati sa anim na teams. Ito ay ang Purple Parrot, Red Jaguar, Green Tiger, Orange Iguana, Blue Barracuda at Yellow Stingray.
Lahat ng empleyado, mula sa mismong presidente at CEO na si Miguel G. Belmonte hanggang sa janitor ay kasali at naki-join sa mga events.
Hindi ininda ang matinding sikat ng araw.
Maraming nasaktan, nasugatan, nadapa at halos hinimatay sa matinding init pero tuloy pa rin ang ligaya.
At bagamat panay ang kantiyawan, sa katapusan ay may tatanghaling kampeon at yun ang Red Jaguar team.
Bagamat hindi gaanong maganda ang performance ng Purple Team ko, okay lang dahil nag-enjoy naman ang lahat.
At nais kong pasalamatan ang mga tumulong sa aming team, si Manong Mar Gemino, Mario Mendoza, Charlie Dy, Ranidel de Ocampo, Eddie Laure, Ed Ponceja at San Miguel Corp. At siyempre salamat sa effort nina Glen Padpad para sa opening number (eh, cheering number pala), kina Rosal at Beth Burce sa kanilang preparasyon at higit sa lahat sa mga players ng Purple Parrot na ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya for the team.
Siyempre salamat din sa aming panauhin na si PSC commissioner Butch Ramirez, Mr. Max Soliven, Gus Abelgas, Jarius Bondoc at Nap Gutierrez na nakisaya sa amin.
Next year, host naman ang Pilipino Star Printing kaya kita-kits na lang tayo sa 2005. Same place, same time pero this time iba na ang magiging champion.
Anyway, congrats sa champion na Red Jaguar team. At sa lahat ng iba pang teams at members na kasali.
Kita-kits uli tayo!
So hindi lang pala si Bong Alvarez ang maglalaro para sa Pennsylvania Valleydawgs sa USBL kundi pati na rin si Vince Hizon.
Ito ang masayang ibinalita sa amin ng kanyang maybahay na si Patricia Bermudez.
Bale from April to June sila maglalaro at hoping na ito ang magiging gateway ng mga Pinoy cagers sa bayan ni Uncle Sam.
Sana nga!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am