^

PSN Palaro

Aksiyon sa CALABARZON meet simula na

-
SAN PABLO CITY-- Dinagsa ng mga residente dito ang may 5,000 kapasidad ng San Pablo Sports Complex upang panoorin ang opening ng CALABARZON athletic meet (dating STRAA) na sa unang pagkakataon makalipas ang 48 taon ay itatanghal dito.

Masayang ipinagbunyi ng may tinatayang 15,000 katao sa pamumuno ni San Pablo Mayor Florante ‘Boy’ Aquino ang 7,000 atleta at opisyales buhat sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon na pumarada sa harap ng main grandstand.

Sa maikling welcome address, binigyan linaw ni Aquino ang kahalagahan ng sports bilang tulong sa programa ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na sugpuin ang paggamit ng iligal na gamot sa mga kabataan.

Ang opening program ay tinampukan ng makulay at magagandang fireworks.

Ngayong araw na ito, masisimula ang aksiyon kung saan sampung gintong medalya ang nakataya.

Ito ay magmumula sa shot put (secondary boys at girls), long jump (sec. boys at girls), shot put (elem. boys at girls) long jump (elem. boys at girls), at 1,500m sa elementary boys at girls.

Ang Laguna ang defending champion sa athletic event at overall champion.

Mula sa 15 na orihinal na events, tatlong bagong events ang idinagdag sa palaro ngayong taon. Ito ay ang basketball (girls), arnis at boxing.

"Lalo naming pinaghahandaan ang okasyon na ito na sa katunayan ay pinagtuunan namin ng malaki ang volleyball at gymnastics na hindi namin nakuha noong nakaraang taon," ani Mrs. Mercy Baradas, delegation head ng defending champion Laguna.

ANG LAGUNA

AQUINO

BATANGAS

CAVITE

DINAGSA

MRS. MERCY BARADAS

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SAN PABLO MAYOR FLORANTE

SAN PABLO SPORTS COMPLEX

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with