80 baguhang cue artists maglalaban-laban sa 9-Ball Open

Mahigit 80 na baguhan at promising cue artists ang maglalaban-laban ngayon para sa titulo ng 9-Ball Open Championship sa Rommel’s Billiards sa Biak Na Bato, corner Retiro sa Quezon City.

Ang event na suportado ni Star Paper Corporation president at CEO Sebastian Chua ay bukas sa lahat ng mahihilig maglaro ng bilyar, matanda man o bata, lalaki o babae. Kailangang magparehistro sila hanggang alas-6 ng gabi ngayon.

Tinaguriang pinakamalaking billiard talent search, ang mga partisipante ay kakalabanin ang lahat sa race-to-five, winner-take-all format na ang pangunahing 16 ang magkukuwalipika sa susunod na round.

Ang top 16 ay muling maghaharap-harap nang panibagong bakbakan sa Star Paper compound para sa titulo at tsansang makalahok sa Tanduay Search for the Number 1 Billiards Player at nalalapit na Corporate Billiards League Season 2.

Para sa mas maagang pagpaparehistro, ang lahat ng interesadong partisipante ay maaaring tumawag sa telepono bilang 712-3663 at 712-8931 o sa Corporate Billiard League secretariat sa 0918-9219934 o pwede ring maglog sa www.corporatebilliards-league@yahoo.com para sa ilang detalye.

Show comments