Matapos maglaho ang 12-puntos na kalamangan at mabaon pa ng pitong puntos kahit na nalagasan ng dalawang player ang kalaban kabilang ang import, nakasilip ng pagkakataong makabangon ang Alaska sa pamamagitan ng 10-2 run na isinelyo ng tres ni Mike Cortez upang kunin ang 91-89 pangunguna, 48.5 segundo na lamang sa laro.
Sapat na ito para mailista ng Aces ang ikalawang panalo sa tatlong pakikipaglaban kahit na imintis ni Cortez ang dalawang krusiyal na freethrows sa foul ni James Yap, may 23.2 segundo ang nalalabing oras sa tikada.
Ngunit hihndi nasayang ang lahat ng pagsisikap ng TJ Hotdogs na nagawang makalamang sa 87-81 kahit na na-fouled-out si import Reggie Butler, may 5:57 ang nalalabing oras sa laro at kahit na na-injured ang kaliwang paa ni Jun Limpot sa huling 1:16 minuto ng third quarter na hindi na nakabalik, nang magmintis si Yap sa kanyang huling tangka na sanay nagsalba sa Purefoods.
"It was an exciting game for the fans but from the coaching stand point, it was horrible," pahayag ni coach Tim Cone na nabigyan ng technical foul dahil sa pagreklamo nito sa sunud-sunod na pito ng mga referees. "It was like the referees were whistle happy. Its not good for the game because it destroys the flow."
Sa kabuuan, may 59 fouls ang game, 23 nito ay sa ikatlong quarter la-mang kung sqaan nagtulong sina Richard Yee at Yap na iahon ang TJ Hotdogs na nabaon sa 50-62 sa third canto bago nakatikim ng trangko sa 82-81 mula sa drive ni Yap, 5:31 ang oras sa final quarter.