PMI Admirals kampeon sa National Student's cagefest
March 7, 2004 | 12:00am
LUCENA City--Dalawang linggo lang ang nakakaraan, kinoronahan ng Philippine Maritime Institute ang kanilang sarili bilang kampeon ng National Capital Region.
At kahapon, pinalawig ng Admirals ang kanilang paghahari sa buong bansa nang pagwagian nila ang 58th National Students Basketball Championships.
Gamit ang matibay na paglalaro na tinampukan ng balanseng pag-atake, ipinoste ng PMI ang 69-58 tagumpay laban sa University of Perpetual Help-Rizal sa winner-take-all finals ng prestihi-yosong torneong ito sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito.
Iginupo rin ng San Beda College at Lyceum of the Philippines ang kanilang mga katunggali upang matagumpay na maipagtanggol ang korona sa high school at womens division, ayon sa pagkakasunod.
Tinampukan ng tambalang Ogie Menor at JR Taganas ang Red Cubs tungo sa 88-66 demo-lisyon kontra sa La Salle-Greenhills para kumpletuhin ang kanilang pagwalis sa kompetisyon at angkinin ang ika-12th nilang kampeonato sa torneong ito.
Isang malaking pag-ahon naman ang ginawa ng Lady Pirates sa huling 10 minuto upang maipuslit ang 46-41 panalo laban sa Ateneo de Manila U.(Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended