Buhat sa 91-90 pangunguna ng Express, umiskor si Holcomb ng dalawang three-point play para kumpletuhin ang kanyang 27 point performance sa eksplosibong 16-3 run tungo sa 112-94 bentahe ng Talk N Text papasok sa huling apat na minuto ng labanan.
Umiskor naman si Taulava ng pitong sunod na puntos upang iselyo ang kanyang 26-puntos na produksiyon na tuluyang nagpatahimik sa kampo ng FedEx.
Nanatili sa pamumuno ang Talk N Text matapos itala ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa gayon ding dami ng laro.
Nanguna rin sina Holcomb at Taulava sa rebounding department na dinomina ng Phone Pals, 58-44 sa kanilang 13 at 16, ayon sa pagka-kasunod.
Sa match-up ng magkapatid na rookie na si Ranidel at Yancy, nakaungos ang nakakabatang de Ocampo na may 19-puntos at 5-rebounds kumpara sa 10-puntos at walong rebounds ng kanyang nakakatandang kapatid.
Sa ikalawang laro, isang magandang pagbabalik ang handog ng San Miguel Beer kay Danny Seigle nang itala ng Beermen ang 95-82 panalo laban sa Barangay Ginebra.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng SMB, sa gayundin karaming laro.
Samantala, magp-patuloy ang aksiyon ngayon sa Araneta Coliseum para sa laban ng Purefoods (1-2) at Alaska (1-1) sa alas-4 ng hapon na susundan ng engk-wentro ng Sta. Lucia (0-2) at Coca-Cola (1-1) (Ulat ni Carmela Ochoa)