PBA Gran Matador Fiesta Cup: 3rd win puntirya ng Talk N Text at Ginebra
March 6, 2004 | 12:00am
Hangad ng Talk N Text at Ginebra na maitala ang ikatlong sunod na panalo sa kanilang magkahiwalay na laro sa pagpapatuloy ngayon ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena.
Makakasagupa ng Phone Pals ang FedEx Express sa pambungad na laban, ganap na alas-4 ng hapon na susundan naman ng pakikipaglaban ng Gin Kings sa kapatid na kumpanyang San Miguel sa dakong alas-6:15 ng gabi.
Tabla sa 2-0 win-loss slate na kasalukuyang nasa tuktok ng team standings ang Talk N Text at Ginebra. Ang San Miguel ay may 1-0 record habang ang FedEx ay 0-1.
Muling tra-trangko si Randy Holcomb para sa Phone Pals habang inaasahang ilalabas naman ni Alvin Jefferson ang natatago pa nitong galing matapos ang nakakadismaya nitong debut game.
Inangat na ng San Miguel sa active list si Danny Seigle kaya inaa-sahang makakapaglaro na ito ngayon matapos matengga ng mahabang panahon dahil sa naoperahang Achilles tendon noon pang 2002.
Malaking tulong ito para kay import Art Long na siyang naging mala-king susi sa panalo ng Beermen kontra sa Shell noong opening day, 90-81 at sa kapatid na kumpanyang Purefoods, 100-85.
Si Roselle Ellis pa rin ang gagamiting import ng Ginebra ngayon dahil sa susunod na linggo pa makakalaro ang bagong import ng Gin Kings na si George Reese, produkto ng Ohio State University at beterano ng CBA.
Makakatulong ni Holcomb ang dynamic duo nina Asi Taulava, ang 2003 MVP at Jimmy Alapag, ang Rookie of the Year noong nakaraang taon.
Bukod kay Seigle, makakatulong din ni Long sina Danny Ildefonso, Olsen Racela, Dorian Peña at Dondon Hontiveros.
Sina Andy Seigle, Marc Caguioa, Jayjay Helterbrand at iba pa ang aasiste naman kay Ellis habang si Vergel Meneses at Renren Ritualo naman ang aagapay kay Jefferson para sa FedEx.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended