Armado ng top pick, umaasa ang guro ng Viva na si Koy Banal na makakakuha ng mahusay na shooter upang lalong palakasin ang kanilang malakas ng lineup matapos na magsagawa ang koponan ng mabigat na buildup sa kabila na naglabasang mga ulat na ang kanyang koponan ay kumpleto na at palaging nage-ensayo ng halos isang buwan.
Mahigit sa 40 players na pinangunahan ng prolific na si Neil Raneses ng Cebu at ng 66 na si Angelus Raymundo ng St. Benedict College ang kabilang sa Aspirants Camp at kumpiyansa si Commissioner Chino Trinidad na patuloy na hahatak ang liga ng mga mahuhusay na manlalaro sa bansa.
Bago ang rookie draft, limang manlalaro mula sa ICTSI ang ikakalat sa pitong iba pang koponan matapos na ang Archers ay lumiban ng isang kumprensiya upang paghan-daan ang nalalapit na UAAP season.
Ang limang La Salle players na pawang hindi na puwedeng lumaro sa UAAP ay sina Raymond Magsumbol, Manny Ramos, Dominic Uy, Mon Jose at Dino Aldeguer.
Gaya ng regular draft, ang Viva ang siyang unang pipili, susunod ang Montana, Sunkist-UST, Blustar Detergent, Welcoat Paints, Dash Liquid Laundry Detergent, Toyota Otis-Knights at Lee Pipes-Ateneo.
Magsisimula ang dispersal draft ng ala-1 ng hapon na susundan ng rookie draft.