^

PSN Palaro

PBL Dispersal at Rookie Draft ngayon sa Makati Coliseum

-
Magsasagawa ang Philippine Basketball League (PBL) ng Dispersal at Rookie Draft ngayon sa Makati Coliseum kung saan ang Viva Mineral Water-Far Eastern University ang nasa posisyon upang makasungkit ng mahuhusay na player na kabilang sa mga listahan ng aspirante.

Armado ng top pick, umaasa ang guro ng Viva na si Koy Banal na makakakuha ng mahusay na shooter upang lalong palakasin ang kanilang malakas ng lineup matapos na magsagawa ang koponan ng mabigat na buildup sa kabila na naglabasang mga ulat na ang kanyang koponan ay kumpleto na at palaging nage-ensayo ng halos isang buwan.

Mahigit sa 40 players na pinangunahan ng prolific na si Neil Raneses ng Cebu at ng 6’6 na si Angelus Raymundo ng St. Benedict College ang kabilang sa Aspirants Camp at kumpiyansa si Commissioner Chino Trinidad na patuloy na hahatak ang liga ng mga mahuhusay na manlalaro sa bansa.

Bago ang rookie draft, limang manlalaro mula sa ICTSI ang ikakalat sa pitong iba pang koponan matapos na ang Archers ay lumiban ng isang kumprensiya upang paghan-daan ang nalalapit na UAAP season.

Ang limang La Salle players na pawang hindi na puwedeng lumaro sa UAAP ay sina Raymond Magsumbol, Manny Ramos, Dominic Uy, Mon Jose at Dino Aldeguer.

Gaya ng regular draft, ang Viva ang siyang unang pipili, susunod ang Montana, Sunkist-UST, Blustar Detergent, Welcoat Paints, Dash Liquid Laundry Detergent, Toyota Otis-Knights at Lee Pipes-Ateneo.

Magsisimula ang dispersal draft ng ala-1 ng hapon na susundan ng rookie draft.

ANGELUS RAYMUNDO

ASPIRANTS CAMP

BLUSTAR DETERGENT

COMMISSIONER CHINO TRINIDAD

DASH LIQUID LAUNDRY DETERGENT

DINO ALDEGUER

DOMINIC UY

KOY BANAL

LA SALLE

LEE PIPES-ATENEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with