Samantala, sa Quezon Convention Center, nakipaglaro muna sa kapahamakan ang NCR eliminations champion Philippine Maritime Institute bago nito naitakas ang 76-70 overtime win laban sa Angeles University Foundation para sa kanilang ikalawang sunod na tagumpay at pagluklok sa top seed ng Group A.
Nagsanib sina Clayven Gagarin at Jerome Chua sa pagkana ng 52 puntos upang trangkuhan ang opensiba ng Quezonians, na buong larong kinaladkad ang STI tungo sa pag-angkin sa panalong ito, na dumuplika sa 86-62 paglam-paso nila sa Our Lady of Lourdes kamakalawa at nagpala-wig sa kanilang karta sa 2-1. Ang STI ay nahulog sa 0-3 at tuluyan nang napatalsik sa kontensyon.
Kasama ng Enverga na papasok sa crossover, knock-out phase na round of 8 mula sa Group C ang University of Baguio habang ang PMI at AUF naman ang aakyat mula sa Group A.
Ang quarterfinalists sa Group B ay ang University of Perpetual Help-Rizal at ang Southern City College, at ang sa Group D naman ay ang three-time national champion University of Manila at ang University of Mindanao.
Sa iba pang laro, ginapi ng Lyceum of Batangas ang University of Luzon, 64-55, pa-ra sa kanilang unang panalo, bagamat, gaya ng huli ay talsik na rin ito sa kontensyon.
Sa womens, kinailangan muna ng defending champion Lyceum of the Philippines na dumaan sa overtime bago nito nalusutan ang Ateneo de Manila University, 53-50, para maitulak ang kanilang malinis na rekord sa 3-0. Ang Lady Eagles na natamo ang unang kabiguan sa 3 asignatura.
Sa juniors, pinabagsak ng Philippine College of Criminology ang Sacred Heart Monte-sorri, 104-62, habang tinibag naman ng Maryhill Academy ang University of Lasallet, 87-77. (Ulat ni IAN BRION)