PBL Aspirants Camp: Collegiate standouts magpapakitang gilas

Inaasahang magpapakitang gilas ang mga collegiate standouts at iba pang amateur players sa Aspirants Camp ngayon ng Philippine Basketball League (PBL) sa Makati Coliseum.

Mahigit 60-players ang nagparehistro para sa one-day camp na ito na pangangasiwaan ng veteran coach na si Robert Sison na aasiste-han ng ilang coaches ng liga.

Inaasahang di mawawala ang coaching staff ng back-to-back cham-pion Fash Liquid Laundry Detergent at Welcoat Paints na nawalan ng ilang players na umakyat na sa PBA, para makadiskubre ng mga bagong talents na pupuno ng kanilang team para sa nalalapit na Unity Cup na magbubukas sa Marso 27.

Ang session ay mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.

Ilan sa mga prominenteng players mula sa UAAP, NCAA, Pampanga, Pangasinan at Cebu ay sina Neil Raneses ng Cebu at Mark Kong ng Adamson kasama ang ilang Fil-Am players na pinangungunahan ng 5-foot-5 guard na si Donald Dulay.

Samantala, inaprobahan ng PBL Board ang request ng Fash na iakyat ang kanilang apat na players mula sa kanilang Cebu team para pala-kasin ang kanilang koponan matapos umalis sina Rich Alvarez, Peter June Simon, Wesley Gonzales at Allan Salangsang na nasa PBA na gayundin sina Larry Fonacier, LA Tenorio, JC Intal at Paolo Bugia na nagbalik na sa Ateneo team na maglalahok ng kanilang sariling team sa PBL dala ang pangalan ng Fil-Pacific Apparel Inc. na gumagawa ng Jag Jeans.

Sa iba pang balita, opisyal nang naging ikalimang voting member ang ICTSI-La Salle ngunit magli-leave-of-absense muna sila ng isang kum-perensiya para paghan-daan ang kanilang kampanya sa UAAP kaya magkakaroon ng dispersal draft para sa kanilang mga non-UAAP players bukas bago ganapin ang regular draft.

Show comments