Merriex huhusgahan ngayon vs Sta. Lucia
March 3, 2004 | 12:00am
Ikalawang sunod na panalo ang tutumbukin ng Alaska Aces habang ipaparada naman ng Red Bull ang kanilang bagong import sa magkahiwalay na kapanapanabik na laro sa PBA Grand Matador Fiesta Conference sa PhilSports Arena.
Makikilatisan ngayon si Bingo Merriex, ang bagong import ng Red Bull na kanilang ipinalit kay Carlos Wheeler sa pakikipagharap ng Barakos sa Sta. Lucia Realty sa unang laro, alas-4:45 ng hapon.
Makakasagupa naman ng Aces ang Coca-Cola Tigers sa main game, alas-7:00 ng gabi at muli nilang sasandalan ang kanilang all-around import na si Galen Young para sa kanilang layunin.
Sa pangunguna ni Young na umiskor ng 27-puntos, 14-rebounds, limang assists at apat na steals, nanaig ang Alaska laban sa Realtors, 88-80 noong Sabado.
Sa pangunguna ni import Mark Sanford katulong sina Rudy Hatfield, Rafi Reavis, Jeffrey Cariaso at Rob Wainwright, sisikapin naman ng Tigers na makabawi sa kanilang 84-80 pagkatalo kontra sa Purefoods.
Si Merriex, produkto ng Texas Christian Univer-sity ang dapat na kukuning import ng Ginebra ngunit huli na itong nakarating sa bansa dahil nagkaroon siya ng problema sa Lebanon kung saan naglaro ito sa Blue Star ball club.
Si Merriex ay No. 1 overall pick ng Texas Rim Rockers sa 2003 USBL draft kung saan kasabayan niya ang naging NBA No. 1 Draft na si LeBron James na pang-18th pick.
Kasama si Wheeler, natalo ang Red Bull laban sa Talk N Text, 90-95 at ito ay pipilitin nilang ibaon sa limot ngayon sa pakikipagharap sa Realtors na babanderahan naman ni import Lamayn Wilson kasama sina Marlou Aquino, Dennis Espino at Kenneth Duremdes na inaasahang magaling na ang na-sprain na kanang binti.
Kung mananalo ang Aces na kasalukuyang may 1-0 kartada katabla ang walang larong San Miguel, makakasosyo ito sa liderato sa Ginebra at Talk N Text na parehong may malinis na 2-0 win-loss record.(Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended