Ang ganda-ganda ng pagkagawa at talagang very timely sa nalalapit na Olympics na gaganapin sa Athens, Greece.
Magaling ang concept ng naturang TV ad kung saan ipinakita nila ang pagsalin ng mga de-kalidad na atleta na tulad nina gymnast Bea Lucero, basketball great Mon Fernandez, swimmer Christine Jacobs, taekwondo jin Monsour del Rosario at sprint queen Lydia de Vega-Mercado ng kani-kanilang talento sa mga batang athletes na ang pinaka-background ay ang lugar ng Athens, Greece.
Para sa akin ang ganda-ganda ng TV ads na yun.
Maganda ang nilaro ni Mr. Miguel Belmonte, president/CEO ng Star Group of Publications na bagamat mas higit na bata ang mga kalaban ay pinahirapan muna nila ng kanyang ka-partner na si Doddie Gutierrez.
Sa ilang beses ng pagsali ng Phil. Star sa mga mamalaking badminton tournament, ito na ang pinakamaganda nilang pagtatapos.
Hudyat na kaya ito sa pagbulusok ng Phil. Star badminton team sa palarong ito?
Anong sey mo Ms. Tammy Mendoza?
Bagamat natabunan na ito ng mahusay na performance ng ibang rookies na tulad nina James Yap at Paul Artadi na nagpakitang-gilas sa kanilang first game.
Well, talagang ganyan, una-una lang. Pero tiyak ko sasabayan na rin ni Alvarez ang ibang rookies sa mga susunod nilang games.
Di ba Rich?