Phil.Star runner-up sa First Data Center Design Corp.Badminton Tourney
March 2, 2004 | 12:00am
Buong gilas na nagpamalas ng husay ang The Philippine Star badminton team bago tuluyang bumitiw sa mas maliliksing players-trainers ng Greenpark Badminton Center, 2-1, sa finals ng 1st Data Center Design Corp. badminton tournament na ginanap sa SmashZone Badminton Center sa Las Piñas City.
Maagang nakuha ng Greenpark ang abanteng 1-0 nang pabagsakin ng tambalang Sarah Caraig at France Camba ang Star team-up nina Dalia Saguid at Tina Poblador, 15-2, 15-1.
Ngunit hindi naging madali para sa kanilang mens team na pinagtatambalan nina Percy Barrios at Paolo Tolentino ang pagkuha ng panalo nang binigyan sila ng matinding marathon play ng Star pair nina Miguel Belmonte at Doddie Gutierrez bago tuluyang angkinin ng Greenpark ang 2-0 abante sa pamamagitan ng 15-12, 15-13 tagumpay sa mens side.
Tiniyak naman nina Chester Cordero at Anna Filamor na hindi mabobokya ang Phil. Star nang durugin nila ang mixed partners ng Greenpark na sina Sheryl Caraig at Harry Villareal, 15-6, 15-5 bago tuluyang ipaubaya ang kampeonato.
Nakuntento naman ang Phil. Star sa kanilang runner-up finish na siyang pinakamagandang pagtatapos sapul nang magsimula silang maglaro sa competitive badminton.
Pumangatlo naman ang malakas na PLDT-A team makaraang gapiin ang MIRDC team, 3-0 na siyang pumang-apat sa badminton event na ito na nilahukan din ng Allied Banking Corp., United Overseas Bank, Pag-IBIG Fund, Allan Dirk Corp., CBN Asia, Merck Sharp & Dohme Phils., Philippine Sports Commission, Alcatel, PNB, DCDC, SPI Technologies, Goodyear, Aboitiz, Celestron Cable TV, Globe Telecoms at Emerson Network Power.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended