Manila Teams nagpasiklab
March 2, 2004 | 12:00am
LUCENA CITY, Quezon--Agad na nagpasiklab ang tatlong koponan mula sa Maynila nang demoralisahin ng mga ito ang kani-kanilang mga kalaban kahapon sa pagbubukas ng 58th National Students Basketball Championships sa Quezon Convention Center sa lungsod na ito.
Pinabagsak ng Metro Manila eliminations No. 1 qualifier Philippine Maritime Institute ang Urios College, 84-52, habang inilampaso ng University of Perpetual Help-Rizal ang University of Luzon, 94-59 at tinambakan ng University of Manila ang City College of Tuguegarao, 114-61.
Ang panalo ay naglagay sa Admirals (Group A), Altas (Group B) at Hawks (Group D) sa maagang liderato sa kani-kanilang mga grupo sa torneong ito na inorganisa ng Basketball Association of the Philippines sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Quezon sa pamumuno nina Governor Willie Enverga at Lucena City Mayor Ramon Talaga.
Nagsanib ang hotshot na sina Niño Marquez at ang dominanteng si Larry Rodriguez sa pagkana ng 43-puntos para trangkuhan ang Admirals na matapos umangat sa 43-34 sa intermisyon ay hindi na lumingon pa.
Sa panig naman ng Altas, nanguna ang rookie na si Fritz Bauzon na may 24 puntos habang nagdagdag si Noy Javier ng 13.
Ang tropang ito ni coach Bai Cristobal ay umabante ng 48-puntos, 85-37 may anim na minuto ang nalalabi sa laro.
Sa iba pang laro, ginapi ng University of Baguio ang Manuel S. Enverga University Foun-dation, 73-67 para sa maagang pamumuno sa Group C.
Samantala, sa Enverga University, winalis ng defending high school champion San Beda College ang Ateneo de Davao, 92-53 para sa matingkad rin nitong umpisa. (Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended