^

PSN Palaro

Efren 'Bata' Reyes kampeon sa San Miguel Asian 9 Ball Tour

-
May bisa pa rin ang mahika ni Efren ‘Bata’ Reyes.

Muling ipinakita ni Reyes ang kanyang dominasyon nang pabagsakin ang kababayang si Warren Kiamco, 11-4 sa all-Pinoy finals ng San Miguel Asian 9-Ball Tour sa Pool Haven sa Singapore.

"Hawak ko talaga ang numero ni Warren. Kita n’yo naman ang dami n’yang mintis na simpleng tira," ani Reyes makaraang tanggapin ang kanyang trophy at US$10,000 top prize.

Kung may mahika man si Reyes na ginamit maaga itong nagkabisa nang ilang beses na sumalto si Kiamco sa unang six frames na ang pinaka-krusiyal ay ang straight-forward shot sa blue two at isa sa sixth na nagbigay daan kay Reyes na linisin ang mesa at kunin ang 4-2 abante.

At walang makapigil sa magic na ito ni Reyes na nasisiyahan sa all-Pinoy finals, nang magsagawa pa ito ng one pocket spectacular shot patungo sa isang poste tungo sa 7-2 abante.

Si Kiamco, na nanaig kay Korean Jeong Young Hwa sa quarterfinals, ay nagpasalamat pa sa natatanging tira ni Reyes.

"Wala ng gaanong pressure kapag kapwa mo Pinoy ang kalaban mo. Alam mo kasi na sa Pilipinas na mapupunta ang korona," ani Reyes habang hawak ang isang bote ng San Miguel Beer.

Ang panalo ni Reyes ay nagtulak sa kanya sa tour-leading earning na umabot na sa US$30,000 habang si Kiamco naman ay nanatiling nakadikit sa kanya sa kabuuang premyong US$20,000.

Kumolekta din ang Pinoy champion ng 70 qualifying points para sa World Pool Championships na iho-host ng Tai-wan sa Hulyo, habang si Kiamco ay may 50 qualifying points.

Ang mga natalong semifinalists na sina Alok Kumar ng India at Taiwanese Chen Huang Wu ay tumanggap ng US$3,000 at 40 qualifying points bawat isa. Ang second loser na Pinoy na si Francisco ‘Django’ Busta-mante ay may US$1,250 at 20 qualifying points habang ang maaagang talunan na sina Frennie Reyes, Antonio Gabica at Lee Van Corteza ay may US$750 at 10 qualifying points.

Isasa-ere ng STAR Sports channel ang replays ng kapana-panabik na quarterfinals bukas ng alas-6 ng gabi habang ang finals ay sa Marso 11 ganap na alas-11:00 ng gabi.

ALOK KUMAR

ANTONIO GABICA

BALL TOUR

FRENNIE REYES

KIAMCO

KOREAN JEONG YOUNG HWA

LEE VAN CORTEZA

PINOY

POOL HAVEN

REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with