Cordial, Cabatac nagwagi sa special leg ng Beam-Zest-O Patakbong Pinoy

Tinawid ng six grader na nakasuot lamang ng tsinelas na si Nichols Cordial ang finish line upang pangunahan ang 500 runners at dominahin ang boys division ng Beam-Zest-O Patakbong Pinoy leg na nag-tampok sa mga mag-aaral mula sa Tandang Sora Elementary School kahapon sa University of the Philippines (UP) academic oval sa Diliman, Quezon City.

Isa pang six grader si Lorenza Cabatac ang siya namang umangkin ng karangalan sa distaff side ng Media Runners and Sports Promotions na nag-organisa ng 2.2 kilometrong karera na idinaos para sa benipisyo ng public school’s physical education at volleyball teams sa pamamagitan ng pamamahala nina PE head Gabriel Caluya at coach Judith Caluya.

Tumapos sina Jolan Cuizon at Ramil Bersamina ng ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod habang sa babae, sina Krislyn Miranda at Marites Ramos ang kumupit naman ng runner-up honors kung saan ang top three placers ang siyang nagbulsa ng medalya at cash prizes mula sa Beam Toothpaste at Zest-O Juice Drinks.

Kabilang sa top 10 ng boys winners sina Rizalday Montiman, Rudolf David, Arjay Lumangaya, Gentry Fabroa, Arjun Luna, Benzon Salamanca at Rodel de Asis.

Ang mga kumumpleto ng mga nagsipagwagi sa distaff side ay sina Jinky Sandoval, Jayzel Acbang, Roseanne Dellomas, Jerusha Aina Amar, Mary Jane Antonio, Angeline Caones at Monica Artizuela.

Show comments