Diretso rin sa Boracay ang Far Eastern University, College of Saint Benilde at ang University of the Philippines matapos ang kanilang magkakahiwalay na panalo.
Kasama nila sa semifinals na gaganapin sa Boracay sa Abril 14-16 ang top-four womens division na Adamson, University of Baguio, Letran at College of Saint Benilde.
Sa pinaka-exciting na match kahapon para sa pag-tiklop ng quarterfinals at Luzon eliminations, ipinamalas ng bagong saltang DLSU Manila tandem nina Janley Patrona at Hansei Go, ang natanggalan ng koronang SSC-Manila na binubuo ng bagong pares nina Arman Canilang at Jershon del Rosario, ang kanilang supremidad sa huling maiinit na segundo ng labanan upang maitakas ang panalo.
Unang nakakuha ng Boracay ticket ang womens duo ng Adamson na sina Kristine Ann Dave at Hannah Suarez na nanalo kina Josa Mangaliman at Romalyn Manzano ng Philippine Christian University, 21-17 at sinundan ito nina Ma. Kristina Enola at Madonna Rimando ng UB matapos patalsikin ang pares nina Ernilyn Domingo at Angie Adorable ng St. Jude Collge, 21-15.
Kinubra nina Cathlea Villaluz at Genalyn Alemania ng Letran ang ikatlong semifinals ticket matapos ang 21-17 pananalasa sa PSBA tandem nina Sherie Ann Garcia at Margarette Maranon habang nata-kasan naman ng mga beterano at paboritong sina Raquel Ordenez at Zeira Castillon ng St. Benilde ang mahigpit na hamon ng baguhang University of Asia and the Pacific na binubuo nina Raine Romero at Branda Galicia, 21-18 para makumpleto ang cast ng womens semifinalists para sa Luzon.
Ang unang mens team na pumasok sa semis ay ang tandem nina Rolan Macahia at Jessier Lopez ng Far Eastern matapos manalo kina John Mark Pangilinan at Aladin Pob-lete ng UP-Los Baños, 21-15 na sinundan ng Saint Benilde duo nina Raymund Yoldi at Ar-nold Laniog na nanalo kina Sherwin Meneses at Limuel Gatchalian ng Adamson, 21-12.
Naging magaan din ang panalo ng magkapatid na Jarod at Jerrico Hubalde ng UP laban kina Roldan Garcia at William Masbang ng Pampanga Agricultural College, 21-11 para sa ikatlong semis slots ng mens category. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)