^

PSN Palaro

Cast ng Luzon, kinumpleto ng DLSU

-
Kinumpleto ng De La Salle University ang cast ng Luzon semifinals na gaganapin sa Boracay nang kanilang silatin ang national defending titlist na San Sebastian College-Manila, 21-19 sa kanilang mahigpit na quarterfinal match sa pagtatapos ng Luzon elimininations ng Nestea Beach Volley 2004 kahapon sa sandcourt sa Rockwell.

Diretso rin sa Boracay ang Far Eastern University, College of Saint Benilde at ang University of the Philippines matapos ang kanilang magkakahiwalay na panalo.

Kasama nila sa semifinals na gaganapin sa Boracay sa Abril 14-16 ang top-four women’s division na Adamson, University of Baguio, Letran at College of Saint Benilde.

Sa pinaka-exciting na match kahapon para sa pag-tiklop ng quarterfinals at Luzon eliminations, ipinamalas ng bagong saltang DLSU Manila tandem nina Janley Patrona at Hansei Go, ang natanggalan ng koronang SSC-Manila na binubuo ng bagong pares nina Arman Canilang at Jershon del Rosario, ang kanilang supremidad sa huling maiinit na segundo ng labanan upang maitakas ang panalo.

Unang nakakuha ng Boracay ticket ang women’s duo ng Adamson na sina Kristine Ann Dave at Hannah Suarez na nanalo kina Josa Mangaliman at Romalyn Manzano ng Philippine Christian University, 21-17 at sinundan ito nina Ma. Kristina Enola at Madonna Rimando ng UB matapos patalsikin ang pares nina Ernilyn Domingo at Angie Adorable ng St. Jude Collge, 21-15.

Kinubra nina Cathlea Villaluz at Genalyn Alemania ng Letran ang ikatlong semifinals ticket matapos ang 21-17 pananalasa sa PSBA tandem nina Sherie Ann Garcia at Margarette Maranon habang nata-kasan naman ng mga beterano at paboritong sina Raquel Ordenez at Zeira Castillon ng St. Benilde ang mahigpit na hamon ng baguhang University of Asia and the Pacific na binubuo nina Raine Romero at Branda Galicia, 21-18 para makumpleto ang cast ng women’s semifinalists para sa Luzon.

Ang unang men’s team na pumasok sa semis ay ang tandem nina Rolan Macahia at Jessier Lopez ng Far Eastern matapos manalo kina John Mark Pangilinan at Aladin Pob-lete ng UP-Los Baños, 21-15 na sinundan ng Saint Benilde duo nina Raymund Yoldi at Ar-nold Laniog na nanalo kina Sherwin Meneses at Limuel Gatchalian ng Adamson, 21-12.

Naging magaan din ang panalo ng magkapatid na Jarod at Jerrico Hubalde ng UP laban kina Roldan Garcia at William Masbang ng Pampanga Agricultural College, 21-11 para sa ikatlong semis slots ng men’s category. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ADAMSON

ALADIN POB

ANGIE ADORABLE

ARMAN CANILANG

BORACAY

BRANDA GALICIA

CARMELA V

COLLEGE OF SAINT BENILDE

LUZON

NINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with