^

PSN Palaro

Import-less Hotdogs pinulutan ng Kings

-
Gaya ng inaasahan, naging magaan ang panalo ng Ginebra laban sa kanilang kapatid na kumpanyang Purefoods na lumarong All-Filipino sa pag-usad ng eliminations ng PBA Gran Matador Fiesta Conference kagabi sa Araneta Coliseum.

Naisubi ng Gin Kings ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos ang 100-85 pamamayani laban sa TJ Hotdogs na nagpanatili sa kanila sa pamumuno.

Sa pagkawala ni Lenny Cooke na naoperahan ang kaliwang achilles heel, napilitang lumaban ang TJ Hotdogs ng walang import at dahil wala pa ring makuhang kapalit si coach Ryan Gregorio.

Tulad ng kanilang 90-81 panalo noong opening laban sa Shell, si Eric Menk pa rin ang bumandera sa Ginebra sa kanyang hinataw na 32 puntos, 17 nito ay sa unang canto bukod pa sa 15-rebounds.

Ang tanging konsolasyon ng TJ Hotdogs sa paglasap ng pagkatalo na nagbagsak sa kanila sa 1-1 kartada ay ang bagong career achievement ng four-time MVP na si Alvin Patrimonio na naging ikatlong player na umabot sa 15,000 points club.

Nakuha ni Patrimonio ang career milestone nang umiskor ito ng tres para sa 54-75 iskor, 41 segundo na lamang ang nalalabing oras sa ikatlong quarter habang paparisan ang achievement na 2,000 assists sa kanilang out-of-town sa General Santos laban sa Shell sa Huwebes.

Sa ikalawang laro, itinala ng Talk N Text ang kanilang ikalawang panalo sa pamamagitan ng 98-88 tagumpay laban sa Shell.

ALVIN PATRIMONIO

ARANETA COLISEUM

ERIC MENK

GENERAL SANTOS

GIN KINGS

GINEBRA

GRAN MATADOR FIESTA CONFERENCE

LENNY COOKE

RYAN GREGORIO

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with