Nestea Beach Volleyball:St.Benilde,Letran,UB umusad sa quarterfinals
February 29, 2004 | 12:00am
Nakasiguro ang College of St. Benilde, Letran College at University of Baguio ng slot sa quarterfinals ng womens division sa pagpapatuloy ng Luzon eliminations sa 2004 Nestea Beach Volleyball kahapon na ginaganap sa sand-court sa loob ng Rockwell.
Unang pumasok sa quarterfinals ang College of St. Benilde na binubuo nina Raquel Ordonez at Ivy Mores matapos mamayani laban sa St. Louis University, 21-8.
Sinundan ito ng Letran duo nina Cathlea Villaluz at Gene-lyn Alemanya nang kanilang pasadsarin ang Adamson University, 21-16.
Pinarisan naman ito ng UB tandem nina Ma. Kristina Enola at Madonna Rimando nang kanilang pasadsarin ang San Sebastian College-Cavite, 21-15.
Bunga ng pare-parehong 3-0 win-loss slate at 6-0 sand points ng St. Benilde, Letran at UB, nakakasiguro na ang mga ito sa Boracay finals sa Abril 14-16 kasama ang mga top-four qualifiers ng mens at womens division mula sa Visayas at Mindanao eliminations na gaganapin sa Cebu sa March 12-14.
Sa mens division, kinulekta naman ng defending champion San Sebastian Manila ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos igupo ang UB, 21-15 para sa perfect na 4-sand points.
Ang iba pang nakadalawang sunod na panalo ay ang Far Eastern University na nanalo sa Bulacan State University, 21-6, University of the Philippines na nanaig kontra sa Ateneo de Naga at St. Benilde na nanalo sa San Beda College, 21-12.
Isang slot na lamang ang natitira sa womens division para sa Boracay trip habang ngayon mababatid ang apat na finalist sa mens category.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended