^

PSN Palaro

Sta.Lucia hindi nakaporma sa Alaska

-
Hindi pinagbigyan ng Alaska Aces na makaporma ang Sta. Lucia Realty nang kanilang dominahin ang laro sa pangunguna ng kanilang all-around import na si Galen Young tungo sa 88-80 panalo sa PBA Gran Matador Fiesta Cup sa PhilSports Arena kagabi.

Humakot ang 6’4 na si Young, 28-gulang na produkto ng North Caro-lina-Charlotte, ng 27-puntos, 14 rebounds, limang assists at apat na steals upang pangunahan ang Realtors sa kanilang unang panalo sa torneong ito bilang preparasyon sa bagong calendar season ng PBA.

Sa tulong ni Young, umabante ng hanggang 15-puntos ang Aces matapos kunin ang 41-30 bentahe sa halftime at ito ang kanilang naging puhunan patungo sa final canto nang kanilang maramdaman ang pagod.

Sa pangunguna ni Sta. Lucia import Lamayn Wilson na umiskor ng 11 sa kanyang 29-puntos na produksiyon sa ikaapat na quarter, nakalapit ang Realtors ng hanggang apat na puntos, 78-82, 39.4 segundo na lamang ang nalalabing oras sa laro.

Gayunpaman, agad na lumayo ang Alaska sa tulong ni Brandon Lee Cablay na kumamada ng dalawang freethrows mula sa foul ni Rafael Santos para pigilan ang rally ng Alaska.

Sa ikalawang laro, sumandal ang San Miguel Beer sa magandang performance ni import Art Long upang ikamada ang 105-76 panalo kontra sa FedEx Express.

ALASKA ACES

ART LONG

BRANDON LEE CABLAY

GALEN YOUNG

GRAN MATADOR FIESTA CUP

LAMAYN WILSON

LUCIA REALTY

NORTH CARO

RAFAEL SANTOS

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with