Tinatawagan ni Purefoods coach Ryan Gregorio ang agent ni Slater sapul pa noong Miyerkules ng gabi makaraang isugod sa ospital si Cooke kung saan ito ay ooperahan dahil sa kanyang na-injured na Achilles heel.
Natanaw ni Gregorio si Slater nang dumalo ito sa training camp ng Timberwolves noong nakaraang taon. At bagamat may edad na, sinabi ni Gregorio na ang karanasan ni Slater sa NBA ay makakatulong ng malaki. Ang 67 University of Wyoming alumnus ay napaka-athletic.
Noong 1991-92, napili si Slater bilang Western Athletic Conference Play-er of the Year. Siya lang ang tanging player sa kasaysayan ng WAC na nagwagi ng tatlong sunod na conference sa rebounding titles.
Pagkatapos ng kolehiyo, naglaro ito sa Spain sa loob ng dalawang taon. Mula dito, pumirma siya sa Denver Nuggets bilang free agent noong 1994. Naglaro din siya sa Toronto Raptors, New Jersey Nets at Atlanta Hawks bago sumapi sa Timberwolves.
Na-injured ni Cooke ang kanyang sakong may walong minuto pa ang nalalabi sa ikatlong quarter na nagpuwersa sa Purefoods na maglaro ng All-Pinoy hanggang sa matapos ang laban. At bagamat wala si Cooke nagawang talunin ng Purefoods ang Coca-Cola, 84-80 kung saan nagtala ang import ng 20 puntos, 14 rebounds, isang assist, 2 steals at blocked shot sa loob ng 27 minutong paglalaro.
Pansamantalang kinuha muna ni Gregorio si Troy Brown bilang kapalit ni Cooke.
Nasa bansa din si Bingo Merriex pero pumirma ng isang linggong kontrata sa Red Bull Barako na pinauwi na rin si Carlos Wheeler. (Ulat ni AC Zaldivar)